Ang lakas na naman ng ulan, kulog at kidlat ay nag-uunahan.
Sa pagbuhos at pagpunit sa langit, aking kinatatakutan.
Bakit ba parang sila ay nagrarambulan, nagtatakbuhan at naguunahan?
Ang mga tao sa lupa ay nakatingin sa kalangitan.
Kanina lamang ay umaraw lang
Ngayon ay bakit nababalot ng kadiliman?
Ang kalangitan ay nagbago na naman
Parang isip mong naguguluhan.
Nakakatakot ang mga kidlat parang mga hinagpis mong biglang sumambulat.
Nakakakaba ang mga kulog parang mga hinaing mong kumakalabog.
Ang lakas ng buhos ng ulan parang mga luha mong walang makapagpapatigil kundi sarili mo lang.
Isang oras silang nagparamdam pero natapos din agad ang kanilang pagsisiklaban.
Parang mga dalahin mong bukas makalawa ay wala na din at hindi mo na ramdam.
Galit nga ba ang langit?
O isang senyales lamang.
Na may hiwaga ang kalangitan,
Misteryo ng sangkatauhan.
Milagrong tanging Diyos ama lamang ang may kasagutan.
Manalig ka at palaging may magandang kinabukasan.
Huwag matakot at mangamba dahil lahat ay may katapusan.