Wonderwoman, may mabuting kalooban.
Para sa iba na agad siyang hinuhusgahan,
Ay isang babaeng may pangit na kaugalian.
Pero sa mga taong may malawak na kaisipan,
Siya ay ang diwatang nagmula pa sa kalawakan.
Nagbibigay ningning at tulong sa buhay na nasa kadiliman.
May pusong maawain sa mga taong may mapagkumbabang kalooban.
Marunong rumespeto sa mga taong kapita-pitagan.
Ngunit, datapwat, subalit isang hamak para sa mga taong may kayabangan.
Ngayon makikita sino ang tunay na nagparaya,
Nanghamak at nanggamit sa taong mahina.
Mga mapagsamantala ay nasa sanlibutan na,
Pero dahil mahal siya ng Diyos inilayo siya sa kanila.
Pinagpapalang wonderwoman,
Dahil sa taglay na kabaitan.
Huwag abusuhin kailanman,
Para hindi makatikim ng malupit na kapangyarihan.
Salamat sa Diyos siya ay masaya at may patutunguhan.