Malungkot na pakikiramay,
Sa mga naulila na puno ng lumbay.
Sana maipadama namin na kami ay inyong kaagapay
At nakikiisa sa lungkot na nadarama kung may nawala sa mga mahal aa buhay.
Umiyak ka lamang kaibigan,
Para pakiramdam mo ay gumaan.
Ito ay hindi isang kahinaan,
Kundi simbolo ng pusong siphayo at nagugulumihanan.
Nais ko mang iabot ang mga palad ko
Humilig ka sa mga balikat ko
Sabihin at isigaw lahat ng pagdurusa mo.
Pero ako ay malayo sa'yo
Ganunpaman, pakikiramay ko ay sana madama mo.
Kalungkuta'y lilipas din
Isipin mo na lang siya ay nakapagpahinga na sa mundong madilim.
Pumaroon sa maliwanag na bahagi ng sandaigdigan
Kasama ang Amang lumikha at nasa kapayapaan.
Ngumiti ka na kaibigan, sa mabuting kamay siya ay nananahan.