Cipriano... Ang aking Superhero

By Anna09 on 2nd Oct 2020

Pangyaos
Horizons: home for talented migrant workers in Hong Kong
 Image

Siya ay walang taglay na kapangyarihan,

Gaya ng ibang "superhero"  na ating kinagigiliwan.

Pero dinaig niya silang lahat,

Sapagkat kaniyang binago at muling kinulayan ang buhay ko.

 

Siya ay si CIPRIANO, pero JHONG kung siya ay tawagin ng mga kaibigan nito.

Malayo man siya sa piling ko, pero pag-ibig niya ay nadarama ko.

Pagmamahal niya'y walang kupas, kahit minsan ako ay pasaway ng wagas.

Inuunawa niya ako at iniintindi dahil alam niyang puso pa din ang magwawagi.

Kami din ay magkakasama sa huli.

 

Mahirap man ang aming kalagayan,

Sa magkabilang mundo kami ay nananahan.

Mananaig ang pagtiya-tiyaga at pagtitiis,

Mga kapangyarihang taglay ng pusong umiibig.

Dahil sa aming pagmamahalan,

Amin itong mapagtatagumpayan.

 

Siya ang aking superhero,

Lakas at tibay ng loob, sa kaniya'y hinuhugot ko.

Kasama ng mga anak na inspirasyon ko,

Sila ang talagang bumubuo ng pagkatao ko.

Salamat sa pamilyang mayron ako,

Tunay na kayamanan sa buhay ko.

Poems by Other Authors

Other Poems by Anna09