Diana... Amerikanang Negra

By Anna09 on 1st Oct 2020

Pangyaos
Horizons: home for talented migrant workers in Hong Kong
 Image

Marahil para sa inyo, ito ay titulong kakaiba.

Pero sa aming pamilya, 'yan ang bansag na maganda.

Tawag ni lolo sa pinsan kong sopistikada,

Dahil sa kulay niyang taglay na kanilang kinukutya.

 

Noong kami ay mga bata pa, kilalang kilala siya.

Kulay ng balat niya ay namana niya sa kaniyang ama.

Pero iyan ang bagay na taglay niya para maging kapansin-pansin siya,

Napaka mahinhin at mahiyaing bata.

 

Siya ay si DIANA, ang pinsan kong may anak na dalawa at asawang mapagpakumbaba.

Sila ay nabubuhay ng tahimik at payapa, tanggap ano mang kahinaan ng bawat isa.

Nagsisikap para mapalaki ang mga anak ng maayos at payapa.

Hindi alintana ang sasabihin ng iba.

 

Wala sa kulay o katayuan sa buhay.

Nasa pagkatao at nilalaman ng puso ang tagumpay.

Nasa pakikipag-kapwa tao na siya namang kaniyang taglay.

Kinagigiliwan naming siyang tunay.

Diana, ang prinsesa sa aming buhay.

Other Poems by Anna09