Mga Inang Bayani

By Anna09 on 1st Oct 2020

Pangyaos
Horizons: home for talented migrant workers in Hong Kong
 Image

Noong nakaraang linggo, ay nagkaroon ng salo-salo.

Pero hindi lang ang sertipiko ang pakay ko

Nais ko ding makasama ng personal ang tatlong nanay ko.

Para maipakita ko silang magkakasama sa buong mundo.

 

Silang tatlo ay mga totoong lider sa kani-kanilang grupo.

May mga pusong ina na dala-dala kahit saan magtungo.

Inuuna ang iba bago ang sarili,

Kaligayahan nila ang maglingkod ng walang pag-aatubili.

 

Si Inang Lucy, sa simbahan siya nagprisinta.

Magbigay ng tulong sa kapwa at sa Diyos ibalik ang mga biyayang natatamasa.

Si Inang Ody naman ay napaka matulungin sa kapwa.

Ang tagumpay niya ay ang makitang umangat ang iba kasama niya.

Si Inang Sol naman ay hindi din pahuhuli.

Sa liksi at lakas na natatangi ay iniaalay niya sa mga naaapi.

Napakadakilang mga nanay, mga bagong bayani.

 

Napakapalad ko, mga biyayang aking natatamo.

Hindi mabibili at walang katumbas na halaga ito.

Ang makita ko sila at maging inspirasyon ko.

Sa paglalakbay sa aking buhay, mga buhay na halimbawa nila ang babaunin ko.

 

Hindi man ako maging kagaya nilang mga buhay na bayani,

Sisikapin kong mabuhay ng may silbi.

Magmahal ng totoo sa kapwa ko palagi.

Magbigay ng taos-pusong kapayapaan.

Alam kong sapat na para sa kanilang ika-sasaya parati.

Salamat sa inyo aking mga nanay,

Ako po ay lalaking mabuti dahil sa inyong mga gabay.

Salamat po Ama sa aking panibagong buhay.

Poems by Other Authors

Other Poems by Anna09