Angkla ng Buhay

By Anna09 on 1st Oct 2020

Pangyaos
Horizons: home for talented migrant workers in Hong Kong
 Image

Ang buhay natin ay walang katapusang paglalakbay,

Minsan ay nakakapagod at akala mo ikaw ay mamamatay.

Mahirap, lalo na kung dumadaan sa napakaraming pagsubok ng buhay.

Akala mo ay katapusan mo na, pero kapatid, pwede namang magpahinga.

 

Angkla ng buhay, ay kailangan ding isa-isip.

Gaya ng barko na naglakbay, sinuong ang malalakas na ihip.

Huminto, magpahinga, mag-isip.

Kumuha ng panibagong lakas bago ulit magpatuloy sa pag-ihip.

 

Ang pagliko at pag-iiba ng direksiyon sa iyong paglalakbay,

Ay pwede ding isa alang-alang para sa ganap na tagumpay.

Hindi lahat ng nais ay makakamit mo.

Pero magtiwala kang mas maganda ang lahat ng nakalaan sa'yo.

Kaya dapat alamin mo kailan ang tamang pag angkla sa buhay mo.

 

Kaya 'yan, laban lang!

Kaibigan, huwag kang susuko dahil hindi ka pinapabayaan.

Diyos ang iyong kaagapay, dakilang nagbibigay-buhay.

Kapag ikaw ay nasa kadiliman at naguguluhan,

Tawagin siya at umangkla ka sa kaniyang mga kamay,

Ituturo niya sa'yo tiyak ang kasagutan sa iyong mga katanungan sa buhay.

Other Poems by Anna09