Sa Mata ng Isang Bata

By Anna09 on 25th Sep 2020

Pangyaos
Horizons: home for talented migrant workers in Hong Kong
 Image

Masdan mo ang kapaligiran,

Punong puno ng kaguluhan,

Saan ba makakakita ng katahimikan,

Sa mata ng isang batang musmos at wala pang nalalaman.

 

Sa kaniyang mukha ay iyong makikita,

Mababanaag ang kapayapaang hinahangad.

Tagos sa kaniyang mga mata ang katahimikang inaasam-asam mo sa tuwina.

Puro saya at galak ang hatid ng kaniyang mga labing namumula.

 

Masarap muli ang maging bata,

Walang problemang kaakibat sa tuwina.

Puro pagmamahal ang kaya niyang ipakita,

Walang gulo, walang away sa kaniyang paniniwala.

 

Sana lahat tayo ay bumalik sa mga panahon,

Kung saan mga puso natin ay pagpapatawad at pagmamahal lang ang mayroon.

Puso ng isang batang musmos,

Sana sa atin ay bumalik at muling umagos.

Poems by Other Authors

Other Poems by Anna09