Orasan

By Anna09 on 15th Sep 2020

Pangyaos
Horizons: home for talented migrant workers in Hong Kong
 Image

Ang orasan ay simbolo ng kalakasan,para sa aming mga nangingibang bayan.

May oras ang simula ng gawain at bilang mo kung kailan ito tatapusin.

Minsan may tinatawag pang "overtime" sa mga panahong wala ang amo sa tahanan natin. Kailangan mo silang antayin bago maipahinga ang isipang naninimdim.

Kalakasan para sa maghapong trabahong dumaan pero hindi na napansin.

 

Para sa mga taong nagaantay, ang oras ay simbolo ng tiyaga.

Napakahirap mag-antay at umasa kung kailan darating ang pangakong nabitawan na.

Pero sa isang pusong nagtitiwala ay kakayanin ang ano mang balakid, ang oras na nagdaan ay hindi alintana.

Kahit pa mangahulugan ito ng habambuhay na pagkawala.

 

Ang orasan ay isang halimbawa ng ating kahalagahan.

Sa mga taong nagiisip na sila ay wala ng patutunguhan,

Inyong pagmasdan at pansinin ang orasang tumigil na sa dingding,

Nagsasabi pa din ito ng tamang oras, dalawang beses sa buong araw mong darating,

Kaya't kaibigan, manalig ka lang may oras para sau na magniningning.

 

Simpleng orasan sa buhay natin, pero napakadaming simbolo kung ating aarukin.

Huwag sayangin ang bawat oras na darating, dahil hindi mo na ito maibabalik at baka pagsisi sa huli ang marating.

Maging masaya at hanapin ang kapayapaan,

Sa buhay natin kaunting oras lang ang nagaantay at hindi natin alam ang oras kung kailan tayo ay kukunin.

Gawing makabuluhan ang paglagi mo dito sa mundo at ipamahagi ang kabutihang puso sa kapwa natin.

Poems by Other Authors

Other Poems by Anna09