Ang Pinsan kong Talentado

By Anna09 on 11th Sep 2020

Pangyaos
Horizons: home for talented migrant workers in Hong Kong
 Image

Tayo ay nilikha ng ating Amang makapangyarihan,

Ng may kaniya-kaniyang katangian,

Lahat ay pantay-pantay sa kaniyang kaharian,

Pero ang pinsan ko'y pinuno ng talento at kakayahan,

Para magamit niya ito sa kabutihan ng kanyang kapwa at lahat ng mamamayan.

 

Unahin natin ang talento niya sa pag-awit, kahit noong nasa Dubai siya ay talaga namang kaniyang bitbit,

Hindi man siya bumibirit pero ang mga awitin niya'y galing lahat sa puso at damdaming walang hinanakit.

Puro kasayahan ang nais niyang ipabatid sa kaniyang mga taga pakinig.

 

Magaling din siya sa pagguhit, pagsasadula, pananahi at pagluluto. Aktibo siya sa paaralan noon at lahat ata ng paligsahan ay kaniya ng sinalihan, at uuwing may napanalunan.

Magaling din siya sa sayawan, palagi siyang tinatawag sa tuwing may programa kahit pa ito ay sa kabilang bayan.

Abah!, sikat ata siya, syempre pinsan ko yan!.

 

Pagdating sa kakayahan nangunguna din yan,

Diskarte sa buhay, uy!,  madami siya niyan,

Lahat ng trabaho ay kaniyang nasubukan at pinasukan para lamang makamit mga pangarap na inaasam,

Huwag kang mag-alala at makakamit mo din lahat yan sa tinakdang oras para sa iyo ng ating Panginoong makapangyarihan.

 

Itinuring ko na bilang isa sa aking mga kapatid, sapagkat siya ay inalagaan din ng lolo at lola kong iniibig.

Madami man siyang pinagdaanan sa buhay, malungkot man o masaya, lahat yan kaniyang pinagtagumpayan.

Marami ka pang paglalakbay na gagawin aking pinsan, DEXTER ang pangalan,

Pero alam kong saan ka man mapadpad pagdating ng araw,

Mauuna kaming pamilya mo sa kagalakan dahil sa wakas narating mo ang tagumpay na iyong pinapangarap.

Mahal ka namin at ipagpatuloy mo ang iyong paglalakbay bitbit ang kabutihan ng puso at kagandahang asal na taglay.

Poems by Other Authors

Other Poems by Anna09