Araw ng Pasasalamat

By Anna09 on 11th Sep 2020

Pangyaos
Horizons: home for talented migrant workers in Hong Kong
 Image

Ito ay hindi araw ng pagtatapos, kundi araw ng bagong panimula,

Dahil ito ay pagwawakas ng isang kabanata,

Kabanatang naghubog ng kalinangan at karunungan,

Ngayon ay magtatapos at sisimulan ko naman ang bagong yugto ng kaalaman.

 

Pagtitibayin lalo at gagalingan,

Tutuklas ng mga bagong karanasan,

Para sa ikauunlad ng aking katauhan,

Para magbahagi muli ng karunungan sa sanlibutan.

 

Ihahatid kong mensahe sa aking mga akda ang kapayapaan,

Katahimikan, pagmamahalan, at paglalakbay sa sining at kultura ng ating bayan.

Pagyayamanin ang biyayang natatamo sa araw araw na hakbang.

Patuloy na isisigaw ang kabayanihan nating mga nangingibang bayan.

 

Ito ay  araw ng pasasalamat, para po sa inyong lahat,

Na nagpatuloy umalalay sa akin sa bawat agos na aking tinahak at talaga namang naging matapat,

Sumoporta at hindi ako iniwan hanggang sa marating ko itong aking  pangarap,

Pero alam kong alam niyo na hindi pa ito ang katapusan ng lahat,

Hiling ko ang inyong dalangin sa Diyos amang makapangyarihan sa lahat,

Na sana'y matupad ko pa ang layunin ko ng may mapagkumbabang puso at marunong magpasalamat.

Mahal ko kayo at mabuhay po tayong lahat.

Other Poems by Anna09