Ang Pinsan kong Marino

By Anna09 on 10th Sep 2020

Pangyaos
Horizons: home for talented migrant workers in Hong Kong
 Image

May pinsan akong marino, akin siyang ilalarawan, STEPHEN JOHN amg kaniyang pangalan,

Pero bakit parang ako ay nahihirapan,makahanap ng mga salitang kaniyang kinababagayan. Sisimulan ko na lamang ng walang hulaan at galing lahat sa puso ko aking ituturan.

 

Ang mga "seaman" daw ay babaero,na ah, tiyak aalma siya at dahil pinsan ko siya, abah!, ipagtatangol ko siya.

Kahit ang nobya niya ay ayaw paniwalaan ito pero huwag ng magtaka siya talaga ay maginoo.

Pinalaking mabait at pasensosyo, mapagbigay at talaga namang matulungin sa kapwa lalo na sa mga kapatid nito.

Ipinagmamalaki namin siya bilang kapamilyang mapagmahal at mapagpakumbabang totoo.

 

Sa karagatan siya ay nakikipagsapalaran,

Hindi alintana ang pagod,puyat at kalungkutan,

Para lamang matulungan ang mga kapatid at maiangat ang pamumuhay ng kaniyang mga magulang,

Tunay na maituturing na isang bagong bayani para sa ating lipunan.

Saludo ako sa tatag at tibay ng iyong puso at kaisipan, aking pinsan.

 

Balang araw ay makakamit mo din ang lahat ng iyong mithiin,

Huwag mawawalan ng pagasa at tunay na panalangin,

Tanging sandata nating nangingibang bayan para sa ating mga gustong marating,

Isang araw tayo ay magkikita kita din,

At yayakap sa isat isa ng may pasasalamat at pagpupugay sa araw na pinakahihintay natin.

Ang tagumpay mo ay tagumpay ng pamilya natin.

Mag ingat ka palagi pinsan kong maginoo at syempre ilagay ko na ang pinakahihintay mong guwapo

Other Poems by Anna09