Away Bati

By Anna09 on 8th Sep 2020

Pangyaos
Horizons: home for talented migrant workers in Hong Kong
 Image

Sa isang relasyon ay hindi nawawala,

Ang away bating kalagayan nila,

Maya maya puro matatamis na salita,

Abah saglit lang at bakit nagaaway na.

 

Away bati daw ay pampatibay ng samahan,

Ng dalawang pusong nagmamahalan,

Huwag lamang masosobrahan,

At baka kayo naman ay magkasakitan.

 

Away bati lamang pero huwag maghihiwalay,

Sapagka't may iiyak para namang may namatay,

Kung humagulgol abot hanggang kapitbahay,

Kaya sana magkaayos din kayo agad para sa magandang buhay.

 

Ay pag-ibig nga naman, napaka talinghaga,

Madaming reketetos and bawat isa,

Pero ang kaligayahang nadarama ay sobra,

Kung ang nagmamahalan ay bati bati, tahimik at payapa.

Masarap magmahal kahit may away bati hindi alintana.

Poems by Other Authors

Other Poems by Anna09