Apat na Ina

By Anna09 on 7th Sep 2020

Pangyaos
Horizons: home for talented migrant workers in Hong Kong
 Image

Napakaswerte kong ina,

Napakarami kong nanay,

Na gumagabay sa akin sa pangaraw araw na buhay,

Para mas madami akong matutunang diskarte at pamantayan sa aking paglalakbay.

 

Una na diyan ang aking inang nagbigay sa akin ng buhay,

Tunay na pagmamahal ng isang ina kanyang pinatughay,

Talaga namang sakripisyo niya'y walang katumbas,

Pagiging totoong ina niya'y walang kupas.

 

Pangalawa ay si mami Zeny, na siyang nagsilbing mami na puro papuri,

Walang pagsidlan ang kalungkutan sa kaniya,

Sapagkat katangi tangi siya,

Kung nais mong sumaya ichat mo lng siya

At puro salitang nakakamangha ang madidinig mo sa kanya.

 

Pangatlo ang aking mami Ody na sa literatura kami ay pinagtagpo,

Pinagsama at pinagtibay ng layuning totoo,

Ginagabayan niya ako at hinuhubog lalo ang aking nakatagong talento,

Tinutulungang maipagsigawan ito sa buong mundo.

 

Ngayon naidagdag ang aking mami Sol ganda,

Talaga namang mapagpakumbaba at kahanga hanga,

Kabaitang taglay ang maipapamana,

Sa akin tiyak na dadalhin ko hanggang sa pagtanda.

 

Ilan lamang sila sa aking mga ina,

Kaya maswerte ako madami akong paghuhugutan ng kalinga,

Mga leksyon sa totoong buhay at mga halimbawang ikakatatag,

Ng aking pagkatao at maibabahagi sa kapwa tao.

Salamat ng madami sa aking mga ina, mahal ko kayo at patuloy po akong magiging mabuting bata.

Other Poems by Anna09