Araw ng Pagkilala

By Anna09 on 7th Sep 2020

Pangyaos
Horizons: home for talented migrant workers in Hong Kong
 Image

Ang araw na ito ay napaka espesyal

Dahil sa araw na ito ay makikilala ko ng personal

Makikita at makakamayan, bonus na kung siya ay aking makakasama sa isang kodakan,

Para may babauning ala ala paguwi ng tahanan.

 

Excited ako mula pa kanina dahil makikilala ko ngayon ang namumuno ng ating embahada,

Ang Embahada ng Pilipinas,

Consul General Raly L. Tejada ang pangalang kapita pitagan,

Kagalang galang at talaga namang dedikasyon sa kanyang tungkulin ang aking sa kaniya'y hinahangaan.

 

Narito po kami ngayon, mga taga Horizons, para magiwan po sa inyo ng simpleng mensahe,

Salamat po mahal naming pinuno,

Kayo po ay pinagmamalaki ng lahing Pilipino,

Hindi niyo po pinababayaan ang kapakanan ng ating mga kababayan,

Lalo na sa ganitong panahon na napakarami ang nangangailangan.

 

Mabuhay po kayo at patnubayan palagi ng Poong Maykapal,

Yan po ang dalanging aming iiwan para sa inyo po ay gumabay,

Ingatan niyo po ang inyong sarili at kalusugan,

Para madami pa po tayong kababayan ang inyong matulungan,

Mabuhay po kayo at salamat po sa serbisyong totoo, makatao, at maka Diyos.

Isa pong karangalan ang makasama po kayo sa araw na ito.

Poems by Other Authors

Other Poems by Anna09