Bagong Bukas

By Anna09 on 3rd Sep 2020

Pangyaos
Horizons: home for talented migrant workers in Hong Kong
 Image

Kapag dumating na yung araw na wala na ako,

Huwag kang magtaka,

Bagkus isipin mong tama ka,

Kaya ako ay nawala.

 

Kapag hindi na ako nagtanong kung nasaan ka,

Huwag kang mangamba,

Subalit isipin mong alam kong payapa ka at malayo sa disgrasya,

Dahil alam kong ang kasama mo'y ililigtas at iingatan ka.

 

Kapag lumapat na ang likod sa kama,

At nasilayan ang sariling magisa,

Huwag kang magalala,

Bukas makalawa,

May bagong umaga,

May bagong kasama,

May bagong bukas,

At ang buhay,

May bagong pagasa.

Other Poems by Anna09