Ang buhay covid ay talagang ang hirap.

Hindi nakalabas hindi makaporma.

Hindi tulad ng dati, gala doon gala dito.

Pero ngayon mabuti pang mag kulong na lang sa kuarto.

 

Oh kay lungkot talaga ng buhay.

Dating tuwing ika anim na buwan

Bansang aking Sinilangan ay aking nararamdaman.

Simoy ng hangin at nagkikislapan ilaw sa daan.

Tunay na nadarama ang diwa ng kapaskuhan.

 

Oh Diyos Amang nasa langit.

Kami po ay humihingi ng iyong habag at awa.

Patawarin mo po kami sa aming mga nagawang kasalanan.

Sa isip sa salita at sa gawa.

Para mawala na ang virus na ito.

Upang muli kong masilayan ang aking bansang Sinilangan.

 

Kaya aking mga kababayan.

Tayoy tulong tulong manalangin naway bumalik sa dating buhay.

Malayang pumunta doon at dito.

Poems by Other Authors