Pasko sa Pinas

By Anna09 on 1st Sep 2020

Pangyaos
Horizons: home for talented migrant workers in Hong Kong
 Image

Halina at alamin ang mga kaganapan,

Kung paano damhin ang pasko sa Pinas,

Makukulay na parol, kumikinang ang buong paligid,

Nagliliwanag ang dilim at nagsasabing kakaiba pa rin ang Pasko sa Pinas.

 

Sa buong mundo ang pasko sa Pinas,

Ang pinakamasayang selebrasyon ng taon,

Sama sama ang buong pamilya,

Saan man sulok sila nagpunta,

Nagbibigayan ng regalo,

Nagaalay ng pagmamahal sa bawat isa.

 

Ang pasko sa Pinas ang araw ng pasasalamat,

Na ang Diyos ay sinilang  at may pagasang laan,

Simoy ng hangin ay kakaiba,

May dalang ngiti at tuwa.

 

Sa pasko sa Pinas lamang madarama,

Ang tunay na diwa sa puso ng bawat isa,

Kaya halina at damhin,

Ang kakaibang ligayang hatid,

Ng Pasko sa Pinas.

Other Poems by Anna09