Bagong Puso

By Anna09 on 1st Sep 2020

Pangyaos
Horizons: home for talented migrant workers in Hong Kong
 Image

Ang puso ko'y masaya,

May galak, may tuwa,

Hindi alintana an hirap na tinatamasa,

Sapagkat alam niyang Diyos ang kaagapay niya.

 

Ang puso ko'y payapa,

Kuntento sa bawat gabing malaya,

Simoy ng malamig na hangin ay damang dama at tahimik na ipipikit ang mga mata.

 

Ang puso ko'y wala ng lumbay,

Sapagkat ikaw ang kaagapay,

Tinulungan mong makalakad kahit nakasaklay,

At nagtiyagang turuan akong mapag-isa ng walang aalalay.

 

Ang puso ko'y matatag,

Sa lahat ng pagsubok na sa akin ay bumitag,

Ikaw ang naging sandigan,

At nagbigay lakas sa aking paninindigan,

Ngayon ang puso ko'y may katahimikan.

 

Other Poems by Anna09