Ulap na Nangungusap

By Anna09 on 1st Sep 2020

Pangyaos
Horizons: home for talented migrant workers in Hong Kong
 Image

Bughaw na ulap,

Tinitingala ko sa alapaap,

Para bang nangungusap at simbolo ng aking mga pangarap,

Matayog, malayo pero abot tanaw kasama ng tiyaga at pagsisikap.

 

Mahal na kaulapan, ako'y inyong gabayan,

Patungo sa aking pupuntahan,

Nawa ako'y makarating ng nasa mabuting kalagayan,

At masayang aalalahanin ang naranasang  katahimikan.

 

Payapang mundo ang dala mo,

Pagasang tunay sa mga damdaming siphayo,

Sa tuwing titingala ang mga kagaya ko,

Nakikita ang liwanag at kapayapaang hatid mo.

 

Salamat makapangyarihang ulap,

Dumilim ka man alam kong ika'y liliwanag din sa isang iglap,

Sapagkat simbolo ka ng buhay, na patuloy na gumagalaw,

Hindi titigil hanggat hindi marating ang liwanag na tanglaw.

Gaya ng mga ulap, buhay natin ay magpapatuloy sa paggalaw.

Bumangon ka't abutin ang pangarap na tanaw.

Other Poems by Anna09