Oo o Hindi

By Anna09 on 31th Aug 2020

Pangyaos
Horizons: home for talented migrant workers in Hong Kong
 Image

Hindi man ako makagawa ng napakatalinghagang tula para sa iyo,

Pero para sa akin ang pagmamahal ko para sa'yo ay isang talinghaga.

 

Hindi man ako makagawa ng kakaibang mahika para ikatuwa mo,

Pero para sa akin ang pagibig ko para sa'yo ay isang mahikang nagmula sa hiwaga ng kaligayahan.

 

Hindi ko man alam simulan ang mga salitang naaakma para sa isang kagaya mo,

Pero para sa akin hindi ko din hahanapin ang mga salitang magtatapos nito.

 

Hindi ko man maipadama sa ngayon kung gaano ka kahalaga sa buhay ko,

Pero alam ng puso ko kung saan ang halaga mo dito sa buhay ko.

 

Sa dami ng hindi at sa dami ng oo..iisa lang naman kung saan sila tutungo,

Doon at doon pa din sa tuldok ng buhay mo.

Poems by Other Authors

Other Poems by Anna09