Paano ko Kayo Mapapasalamatan?

By Anna09 on 29th Aug 2020

Pangyaos
Horizons: home for talented migrant workers in Hong Kong
 Image

Paano ko kayo mapasasalamatan?

Isang tanong na mahirap sagutan,

Lalo na kung ang pasasalamatan mo,

Ay mga taong nag aruga at nag alaga sa'yo.

Mga taong handang ialay ang kanilang sariling buhay para lamang sa kabutihan mo.

 

Paano nga ba magpasalamat ang isang anak?,

Sa magulang na nagsakripisyo at halos lahat ng pawis ay tumagatak,

Para lamang mabigyan ng magandang bukas, ang kanilang mga anak,

At iayos ang bawat buhay nilang tinatahak.

 

Pagtalima sa Amang Makapangyarihan,

Respeto sa magulang,

Pagibig sa kapwa,

Pagmamahal sa sarili,

At paggalang sa mga nakatatanda,

Ilan lamang sa mga asal na tinuran nila,

Para mapalaki tayong mabuti at pinagpala.

Gawin natin ito araw araw para sa kanilang ikakasaya.

 

Huwag kalimutang sambiting mahal mo sila,

Habang naririto pa sila sa lupa at kapiling mo tuwina,

Dahil sa oras na sila'y pumanaw na, umiyak ka man, buhay nila'y hindi na maibabalik pa,

Kaya kaibigan, pagkatapos mong basahin ang aking akda,

Yakapin mo ang iyong mga magulang at sabihing mahal na mahal mo sila,

Higit pa sa buhay na iyong tinatamasa.

Other Poems by Anna09