Pagiging Maayos

By Anna09 on 27th Aug 2020

Pangyaos
Horizons: home for talented migrant workers in Hong Kong
 Image

Aalis ka na naman,

Saan ang iyong pupuntahan?,

Naayos mo na ba ang iyong hinigaan?,

Sambit ni ina'y tuwing ako'y lalabas ng aming tahanan.

 

Maganda nga ang iyong postura,

Napaka elegante at talagang sopistikada,

Pero huwag palaging panlabas ang iaayos mo at yaon lang nakikita,

Ayusin mo din muna ang panloob na siyang pinakamahalaga.

 

Mabuting kalooban at maayos na pinagmulan,

Respeto sa kapwa at pagiging magalang,

Mga katangiang dapat pangunahan,

At susunod mong iayos ang lahat ng iyong kagamitan.

 

Pagiging masinop ay katangiang maipagmamalaki,

Hindi lamang sa sarili kundi lalo na sa nakararami,

Papuri ang iyong palaging madidinig,

Kung ika'y masinop, maayos at malinis sa paligid at sa sarili.

Maging masipag palagi.

Other Poems by Anna09