Ang Kaibigan kong Raketera

By Anna09 on 26th Aug 2020

Pangyaos
Horizons: home for talented migrant workers in Hong Kong
 Image

Yan ang bansag namin sa kanya, "babaeng raketera",

Dahil talaga namang sa sipag at tiyaga siya ay sumosobra,

Kulang na lang maging isa siyang biritera,

Lahat ng paligsahan malamang sasalihan niya.

 

Lahat ng kailangan mo, sabihin mo lang,

Agad sasagot yan, "pm sent" at mayroon siya niyan,

Ma pa arkitekto, enhinyero, tubero pati kusinero,

Lahat ng hanap mo huwag lang ng bolero.

 

"Kuracha" ang babaeng walang pahinga,

Ay hindi pala, Maricel ang pangalan niya,

Legpit ang tawag namin sa kaniya,

Sa sobrang kasinupan sa buhay pati apelyido niya, sinasabuhay na.

 

Sa biyayang umaapaw puso nya ay palaging humihiyaw,

Sa pagmamahal ng kaniyang mga anak na siyang dahilan ng kaniyang paghataw,

Masusuklian din nila lahat ng sakripisyo niya balang araw,

Dahil yan ang regalo ng Diyos sa kanyang laging nakatanaw.

 

Huwag mawalan ng pag-asa, aking kaibigang maganda,

Balang araw, sa lahat ng raket mo, buhay mo ay sasagana,

Andito lang kami palaging nakasuporta,

Mahal ka namin ng bonggang bongga.

Other Poems by Anna09