Laswa

By Anna09 on 26th Aug 2020

Pangyaos
Horizons: home for talented migrant workers in Hong Kong
 Image

Eto pala ay salitang gamit ng mga kapatid nating ilongga at ilonggo

Na ang pakahulugan ay halo halong gulay na luto

Akala ko iba ang pakahulugan nito

Sa mga kapatid na tagalog alam nila ito.

 

Maigi na lang may bago akong natutunan

Bukod sa pagluluto ng ibang paraan

Ang salitang ito pala ay masustansya naman

Lalo na kung sabay sabay tayo sa kainan.

 

Balang araw sana ay matikman kita

Para masabi ko gaano kasarap ang laswa

Dahil kung sa tingin lang ako'y natatakam na

Paano pa kaya kung malalasahan ko pa.

 

Sa mga kapatid kong ilongga

Anyayahan niyo naman ako sa inyong kusina

Para matupad ang aking kahilingan

Makakain ng laswa sa inyong tahanan.

Other Poems by Anna09