Bahay

By Anna09 on 24th Aug 2020

Pangyaos
Horizons: home for talented migrant workers in Hong Kong
 Image

Aanhin mo ang bahay na bato, kung wala namang pagmamahal sa loob nito,

Mabuti pa ang bahay kubo, basta payapa at may respeto ang mga nakatira dito.

Aanhin ko ang mansyon mo, na gawa sa kongkreto, kung ang pundasyon naman nito ay magulo,

Mabuti pa ang bahay pawid, na inayos ng tatay ko, naitayo ng may tiwala at unti unting aasenso.

 

Papansinin mo ba ang palasyong madaraanan mo, kung sa sobrang laki nito ay hindi mo alam kung magkikita pa kayo.

Mas maigi pa ang bungalow na pinatayo mo, sabay sabay pa kayong kakain sa hapag nito.

Kaibigan, makinig ka sa payo ko,

Dito sa mundo, hindi mahalaga ang panlabas na anyo ng bahay mo.

Hindi natin ito madadala sa kabilang ibayo,

Ang importante ang pagkakaisa ng mga titira dito.

May pagmamahal na pinapadama mula sa mga haligi at ilaw nito,

May respeto at pagkakaisa mula sa mga anak dito.

 

Ang bahay na gawa ng dahil sa pagsisikap at tiyaga na pinuhunan mo,

Asahan mong tatagal ito at aabot pa sa mga susunod na henerasyon mo.

Ngunit ang bahay na nagmula sa perang nakamkam mo,

Ikaw mismo ang makakakita kung paano anayin ito.

 

 Hindi masama ang mangarap sa panahong ito,

Na magkaroon tayo ng malaking bahay na pagpapahingaan mo.

Sa ating pagtanda, masarap makita ang resulta ng pinagpaguran mo,

At sama sama ang buong pamilya sa loob nito.

Kayat habang maaga pa at malakas pa tayo,

Pagsikapang magimpok para sa tagulan may masisilungan tayo.

Other Poems by Anna09