SANTAN

By Jay-Mie on 23rd Aug 2020

Migrant Writers of Hong Kong
 Image

Nasubukan mo ba

Nung ikaw ay muntinyg prinsesa

Naglaro sa iyong kaharian

Mukha ay madungis man

Sayo nama'y nakapalamuting

Ginawang kwintas, pulseras at singsing

Santan na pinagdugtong-dugtong

Galing sa kumpol niyang mayabong

 

Minsan nama'y bili-bilihan,

O kaya'y tinda-tindahan

Paninda mo'y mga bato

Bua at kung anu-ano

Pera-perahan, dahon ng santan

Iba't ibang halaga kahit iisang kulay, luntian

 

Lutu-lutuan, kunwari'y restawran

Ihahain, iba't ibang kulay naman

Yaon pa rin, bulaklak ng santan

Tutuhugin, mga dahon naman

Para kunwari, ihaw-ihawan

 

Nang ang prinsesa'y naging dalaga

Sa kanya'y may prinsipeng humanga

Regalo sa magandang dilag na sinisinta

Sapagkat payak ang buhay, santan lang ang kinaya

Gayunpaman ang mayuming dalaga

Lubos niyang napapasaya

Bulaklak ng santan ngayo'y palamuti na sa tenga

Na lubos sa kanya, mula pagkabata ay nagpapaganda

Other Poems by Jay-Mie

23rd Aug 2020
Thought Image