Mahiwagang Bayong

By Anna09 on 22nd Aug 2020

Pangyaos
Horizons: home for talented migrant workers in Hong Kong
 Image

Marahil ay nagtataka ka kung bakit siya tinawag na bayong na mahiwaga

Dahil ito ay gawa ng may pagmamahal at alaga

Pinagpuyatan, pinintahan at ginawang napakahalaga

Para sa araw araw mo'y madala.

 

Pahalagahan mo ang bayong na ito

Dahil ito'y bahagi ng kulturang Pilipino

Hinimay, binuo at dinesenyuhan ng husto

Angkop at bagay sa makabagong mundo.

 

Ang bayong ay kasama na sa kasaysayan natin

Pero ito ay mahiwaga sapagkat ito'y nananalamin

Ng kulturang mayaman na pinagtibay pa natin

Nilinang at pinaganda sa husay ng ating angking galing.

 

Mabuhay ang bawat Pilipino

Na nagmamahal sa sining at kultura nito

Bahagi kayo ng kasaysayan ng bayan

Ipagmalaki mo ito at palaging ingatan.

Poems by Other Authors

Other Poems by Anna09