Napagtagumpayang Pagsubok

By Anna09 on 22nd Aug 2020

Pangyaos
Horizons: home for talented migrant workers in Hong Kong
 Image

Ako'y may nakilala, nagmula sa malayong probinsiya,

"Althea" ang pangalan at talagang masiyahin siya,

Mababakas mo sa mukha niya ang kaligayahan,

Tahimik niyang kalooban ang aming napagusapan.

 

Ako ay nagulat sa mga nadinig ko,

Kuwento ng buhay niya'y tiyak na may aral na ginto,

Ang babaeng hindi sumuko,

Sa kahit anong unos na dumaan dito.

 

Siya ay babaeng palaban naturan ko na lang,

Sa tibay ng loob at talas ng isipan,

Lahat kinaya niya at napagtagumpayan,

Sa tulong na din ng pananampalataya sa Diyos na makapangyarihan.

 

Napagtanto ko ng landas nami'y maghiwalay,

Napakapalad niya at may mapagkumbabang puso siyang taglay,

Na kahit ano man ang kaniyang pinagdaanan,

Natutunan pa din niyang magmahal sa kabila ng kahirapan.

 

Sana ay palagi siyang gabayan ng Panginoon hanggang sa marating niya ang pangarap niyang paroroonan.

Diyos nawa ang sumama iyo aking kaibigan.

Yan ang panalangin ko sa mga darating pang pagsubok na iyong mapagtatagumpayan.

Kayang kaya mo yan!

Poems by Other Authors

Other Poems by Anna09