Ang mga luha ko'y pumapatak na naman,
Simbolo ng hapdi at ako'y nasasaktan,
Sa pagbabago ng mundong kinagagalawan,
Bakit kailangang ang pagbabago ang maging permanente sa ating lipunan.
Sa una ay hindi ka naman ganyan,
Ako nga ba talaga ang may kakulangan?
O sadyang ika' y walang kakuntentuhan
O mapaghanap lamang ng kalingang hindi nasusumpungan.
Akala ko ay mauunawaan mo
Ang pakiramdam ng isang bigo
Pero bakit inuulit mo lang ang naranasan ko
Sa mundong mapaglaro at mapanakit ng puso.
Kailan ko matatagpuan ang taong kailangan
Kailan ko mahahanap ang katahimikan
Ako nga ba ang may mali pakisagot naman
Para mabago ko ang aking kapalaran.
Kailan ako titigil sa pagluha
Kailan ko madarama ang tunay na ligaya
Akala ko ay ikaw na ang binigay na biyaya
Sayang at ito ay isang maling akala
Patuloy pa rin akong hahanap ng sagot sa mga tanong na mahiwaga.