Iisang Wika: Yaman ng Bansa

By Anna09 on 19th Aug 2020

Pangyaos
Horizons: home for talented migrant workers in Hong Kong
 Image

Pilipinas aking mahal

At sa lahat ng namumunong ating inihalal

Mabuhay kayong lahat sa inyong sakripisyo at pagmamahal

Para sa bayang maunlad at marangal.

 

Panahon pa lang ng ating mga ninuno

Pinamanahan na tayo ng napakaraming dialekto

Pero dahil sa ating pagkakaisa

Tayo ngayon ay may iisang wika.

 

"Filipino" kung tawagin

Pambansang salita natin

Lahat ay nagkakaunawaan at nagkakaintindihan

Para sa iisang layunin

Ang pagbuklorin ang bawat Pilipino para sa ikakaunlad ng bayan natin.

 

Oh bayang sinilangan, Mabuhay ka!,

Sa iisang wika, kami ay pinagpala

Sama samang aabutin ang kaunlaran natin

Para sa iisang bayan, iisang adhikain, kaginhawaan sa mga kababayan natin.

Other Poems by Anna09