Pamumukadkad

By Anna09 on 19th Aug 2020

Pangyaos
Horizons: home for talented migrant workers in Hong Kong
 Image

Gaya ng bagong usbong na bulaklak,

Ang talento ko'y unti unti ding namumukadkad,

Sa tamang dilig at alaga,

Sa tunay na pag-ibig at pagtitiyaga,

Ako'y yayabong din at magpapakita ng ganda gaya nitong bulaklak na napaka talinhaga.

 

Tayong lahat ay nahihiya at nagdadalawang isip,

Magpakita ng tunay na galing at magagandang obra hindi natin maipasilip,

Pero ng dahil sa pagkatok ng ating ina sa ating mga puso,

Tayo ay natutong lumabas at maglinang ng angking galing talento.

 

Gaya ng bulaklak sa larawang ito,

Mula pagyabong hanggang pagkalanta tayo ay naka alalay dito,

Araw araw inaalagaan, binibigyang oras at kahalagahan,

Sa lahat ng ito, susi ng tamang paggabay ang kinakailangan.

 

Mabuhay tayong lahat, simbolo tayo ng dakilang lumikha,

Ihalintulad man tayo sa lahat ng nilikha niya,

Lahat tayo ay naguumpisa  sa pamumukadkad at magtatapos sa takdang oras,

Gawin natin ang kaiga igaya at magpakabuti bago pa natin marating ang ating wakas.

Poems by Other Authors

Other Poems by Anna09