Ang buhay ng isang Nanay Lola.

By Emma Disquitado on 17th Aug 2020

Hong Kong Connect
Pangyaos
 Image

Bakit ganito naging buhay ko?

Pinangarap ko lang nakatapos ng pag aaral mga anak ko

Bakit ngayon nakatapos na sila

Nag asawa na at May kanya kanya ng pamilya

Ako isang ina na gusto ko NG huminto sa pagiging domestic helper

Pero hindi ko magawa bakit?

Dahil pasapasahan lang ako nila.

Alaga ng mga apo doon at dito.

Hindi sa ayaw ko mag alaga ng apo ko.

Gusto ko lang maenjoy ang pagiging senior citizen ko.

Gusto ko malaya. Gala dito gala doon.

At dito sa bansang Hongkong ko narananasan ito

May sariling sahod na enjoy ko pa buhay ko.

Walang mag mo monitor ng buhay ko.

Nanay nanay saan ka dito ka sa amin

Alagaan mo mga apo mo.

Hala nakaraos na ako sa pagpapalaki sainyo.

Kayo naman dumiskarte sa mga apo ko.

Kaya para walang sasama loob sa akin

Hiding place ko ay dito

Hongkong may sahod na enjoy pa.

Nabibili ko pa mga pangarap ko.

Investment dito investment doon

Na sa kanila din naman matutungo.

Kaya buhay ko ay dito.

Pagpasensyahan na ninyo ang tulang talambuhay ko na binuo ko

Naway nag enjoy kayo.

Kaya hanggang dito na lang ang tula ko

Mabuhay ang domestic helper na gaya ko.

Na hindi umaasa kahit kanino.

Kundi nakakatulong pa meron investment pa.

Saan ka pa oh db.. I thanks to all of you.

Kung binasa mo ito.

Salamat salamat Diyos ko.

Sa buhay at kalakasan na ka loob mo

Kaya mga kababayan ko

Patuloy lang ang buhay ninyo.

I enjoy lang natin buhay natin.

Huwag magsasawang magdasal

At one day answer prayer na un.

Hindi man sa ngayon.

But in the right time.

God bless us all..

It's me.

Mommy Emma ang inyong lingkod.

Gumawa ng tulang ito. Naway nagustuhan ninyo.

At maging inspiration ninyo.

Na naabot ko na senior citizen ko.

Na dito pa buhay ko.

Malakas at maganda pa ako.

Bow.. Hehehe. Buhatbangko ko

.

Poems by Other Authors