PUNLA

By Jay-Mie on 17th Aug 2020

Migrant Writers of Hong Kong
 Image

Tulad mo ba'y isang punla

Nang naitanim sa lupa

Inaabangan ang iyong pagsibol

At sa huli sana ang tagumpay at ang iyong pagyabong

 

Hindi man katiyakan

Ang iyong paglago

Ng sa iyo'y nagluklok sa lupa

Sumusugal, naniniwala at patuloy na umaasa

 

Na sa paglipas ng panahon

Matagal man ang kanyang hinintay

Araw-araw ika'y dinidiligan

Inaaruga kasabay ng taimtim na dalangin

 

Sa bawat pagsikat at paglubog ng araw

Bago magpahinga ang hapong katawan

Ikaw muna'y susulyapan

Aarupaapin ang lupa na iyong tahanan

 

Nang sa wakas dumating ang araw

Na kanyang pinaka-aabangan

Sumilip ang munting buhay mula sa iyong kinalalagyan

Galak at tuwa ang kanyang naramdaman, nagbubunyi

 

Iyan ka, tulad mo'y isang punla

Itinanim ng ating Amang lumikha

Na ang bawat pagsibol mo at tagumpay mo

Ay kanyang kagalakan

At ang bawat pagbagsak o pagkasira mo'y kanyang kasawian

Other Poems by Jay-Mie

17th Aug 2020
Thought Image