Tiwala

By ellenmae on 17th Aug 2020

Pangyaos
Horizons: home for talented migrant workers in Hong Kong
Migrant Writers of Hong Kong
 Image

Simpleng salita na madaling bigkasin,

Kadalasang naririnig, malalim ang ibig sabihin.

Kadalasang ibinigay,  sa kaibigan, kapamilya o kaninuman.

Ihanda ang sarili anumang hatid sa buhay natin.

 

Sa aking kaibigan, ako'y lubos na nagtiwala,

Matatamis na salita puso ko'y lumulukso sa tuwa.

Minsa'y nag alok ng tulong, rason ay kanyang pagkukusa,

Nagdaan ang panahon, hindi mahanap at ito'y naglaho na.

 

Aking problema, idinadaan sa pagsulat ng tula,

Mapawi man lang pagdurusa sa puso't diwa.

Ako'y patuloy na umaasa, kanya akong maalala,

Tapusin ang iniwan na dulot sa akin ay pagdurusa.

 

Minsa'y napapaisip, nuon ako'y kanyang pinagkatiwalaan,

Sa paglipas ng panahon, buong buo akin itong inalagaan,

Hindi sumira kailanman sa lahat ng napag usapan.

Subalit, kanyang isip nagbago ng hindi inaasahan.

 

Mga pangako niya'y bigla biglang binitawan,

Ako'y kanyang iniwan sa sitwasyong hindi maintindihan.

 

O aking kaibigan, isang kapatid sa aking puso't kaisipan,

Iyong mga pangarap sa buhay, agad mo ng nakamtan.

Anuman ang iyong dahilan, sana ako ay iyo din balikan.

Patuloy na umaasa, Panginoong Diyos iyong puso ay haplusin.

 

Tiwala ko sa iyo'y patuloy parin na nadiyan.

Mga pangako mo sa akin, iyo din sanang tuparin.

 

 

 

August 2, 2020

@Lifediary511✍📖

Poems by Other Authors