Pangarap

By ellenmae on 17th Aug 2020

Pangyaos
Horizons: home for talented migrant workers in Hong Kong
Migrant Writers of Hong Kong
 Image

Pangarap kong maging isang mabuting anak

Lumaking naghahangad ng pagmamahal

Pamilya ipinakita at ipinaramdam

Subalit sa puso't isipan ito'y palaging kulang

 

Pangarap kong maging isang mabuting ina

Sa aking mga anak sila'y napakahalaga

Aking pagsasakripisiyo malayo sa kanila

Mabigyang katuparan masanang buhay nila

 

Pangarap kong maging isang mabuting asawa

Maging magandang ehemplo sa buong pamilya

Suportahan ang kagustuhan ng bawat isa

Aming samahan patuloy na gabayan ng mahal na Ama

 

Pangarap kong maging isang mabuting emplyado

Isapuso at bigyang halaga ang aking trabaho

Pagmamahal at pag aruga sa aking mga alaga

Aking gagawin upang kami'y laging masaya,

Aming pamumuhay mag iiba kapag aming trabaho ay mawala

 

Pangarap kong makauwi na ng permanente

Makasama buong pamilya ng kampante

Di iisiping may amo sa isang tabi

Aking pagsisilbihan mga anak araw at gabi

 

Pangarap kong Panginoon dalangin ko'y pakinggan

Mga pangarap bigyan sana ng katuparan

Kaming mga anak sa iyo nananalangin

Kami sana iyong patuloy na gabayan at mahalin

 

 

July 28, 2020

@Lifediary511✍📖

Poems by Other Authors