Dapit Hapon

By ellenmae on 17th Aug 2020

Pangyaos
Horizons: home for talented migrant workers in Hong Kong
Migrant Writers of Hong Kong
 Image

Ika'y aking inaabangan sa araw araw ng aking buhay.

Anumang trabahoy konting  oras aking iaalay,

Masilayan ka lamang bago matapos ang buong araw.

Nagbibigay lakas at bagong pag asa para sa panibagong araw.

 

Aking isinapuso ang paniniwala.

Nakatingin sa akin ang aking mahal na Ina.

Isang mukha ang palagi lang nanjan.

Para ako'y panoorin at patuloy na gagabayan.

 

 Sa lahat ng problema sa iyo humuhugot ng lakas,

Para aking muling harapin ang bagong bukas.

Anumang masasayang pangyayari ngayong araw,

Wag nating kalimutan kasabay paglubog ng araw.

 

Gawing makabuluhan ang ating buong maghapon,

Bigyan ng kulay at saya sa lahat ng pagkakataon.

Ating alalahanin, buhay at oras at napakahalaga,

Aking inaasam, ako'y nakaupong mag isa,

Dapit Hapon sa tabing dagat, nakatingala.

 

Maramdaman ang simoy ng hangin,

Maramdaman ang iyong yakap,

Maramdaman ang iyong kalinga,

Maramdaman ang pagmamahal mo aking Ina.

 

 

 

June 28, 2020

@Lifediary511✍📖

Poems by Other Authors