Patuloy na Pangarap

By Anna09 on 16th Aug 2020

Pangyaos
Horizons: home for talented migrant workers in Hong Kong
 Image

Ako ba ay karapat-dapat tawaging isang manunulat,

Kung ang mga gawa ko naman ay simple lang at hindi sapat,

Sa panlasa at pagtanggap ng mga kritiko,

Na sa mga akda ko ay nakasubaybay at naghahanap ng mali ko.

 

Maibibigay ko kaya ang inyong kailangan?,

Kung sa una pa lang ako na ay inyong hinusgahan,

Sinabihan niyong hindi naman kagalingan,

Bakit kaya narito ang babaeng yan?.

 

Para sa akin naman ay tama kayo,

Ako naman talaga ay hindi para dito,

Ngunit dahil sa naniniwala ako sa kakayahan ko,

Kahit hindi ako kasing talino niyo,

Nananatili ako dito kahit iilan ang may gusto,

Dahil alam ko isang araw, panahon ko naman para makilala ng mundo.

 

Patuloy na mangangarap dahil dito ako masaya,

Ito ang larangan na nagbibigay sa akin ng tuwa,

Kapayapaan at katahimikan ng diwa,

Kaya patuloy na susulat ng mga simpleng gawa.

Poems by Other Authors

Other Poems by Anna09