Tamis ng Unang Pag-ibig

By Anna09 on 16th Aug 2020

Pangyaos
Horizons: home for talented migrant workers in Hong Kong
 Image

Ako ay napapangiti, halos mamula mula ang pisngi,

Kung maalala ko ang tamis ng iyong mga sinabi,

Nuong hinahatid mo pa ako bago maggabi,

At sinusundo para sabay mananghali.

 

Ako'y masaya at talaga namang tuwang tuwa,

Kapag kasama ka halos oras ay hindi alintana,

Ganyan ata talaga ang pag-ibig na dala,

Ng taong nagmamahal at umiibig ng dakila.

 

Panahong tayo ay mga bata pa,

Halos sungkitin ang mga bituin pati buwan na,

Ngayong tayo ay tumanda na,

Isa na lang itong matalinghagang kabanata.

 

Para sa aking unang pagibig,

Mananatili kang nasa pusong pumipintig,

May lugar kang nakalaan, kahit para ka na lang sa nakaraan,

Akin itong pinagpapasalamat kasama ng kasaysayan.

Paalam na hindi pang hangganan!

Other Poems by Anna09