Bakit ba ang kapalaran, minsan mapagbiro,
Makakasalamuha mo ang taong magpapatibok ng iyong puso,
Magpapasaya at magpapasigla ng mga araw mo,
Pero bakit sa huli siya din ang dahilan ng mga luha mo.
Pinagtagpo nga ba tayo para matuto?
O itinadhana para sa magandang pagbabago,
Wala namang permanente sa globo,
Kundi ang pagbabagong pinakita mo.
Tayo ay pinagtagpo sa panahong kailangan ko ng karamay,
Sa buhay na puno ng lumbay,
Salamat sa tadhana at ako ay lumigaya,
Kahit sandali lamang ang ating pagsasama.
Pinagtagpo man tayo pero hindi itinadhana,
Ayos lang sa akin basta nasa puso kita,
Palaging maalala mga tamis ng pagsinta,
At mananatili kang buhay sa aking memorya.