Ang Tupig

By Anna09 on 12th Aug 2020

Pangyaos
Horizons: home for talented migrant workers in Hong Kong
 Image

Ako ay gawa sa malagkit,

Para ang inyong pamilya'y lalong magkadikit dikit,

Ito ay paniniwala kaya ako ay hinahanda nila,

Tuwing bagong taon hanggang sa naging pang araw araw na meryenda.

 

Haluan ng niyog na bagong biyak,

At kinadkad ng inyong kabiyak,

Lagyan ng kaunting asukal pampatamis,

Para sa pagsasamang napakatamis.

 

Ibalot mo ako sa dahon ng saging,

Para mabango at ako'y iyong ihawin,

Kapag ang kulay koy naging parang uling,

Ay ahunin mo na ako't wag mo akong sunugin.

 

Tikman mo ako habang mainit init pa,

Para malasahan mo ang lambot at lagkit na aking hatid sinta,

Ako ang tupig na napakasustansiya,

Tiyak na mabubusog ka pa.

 

Mura pa at pasok na pasok sa budget mo,

Pwede mo din akong pang negosyo,

Kikita ka na at busog ka pa,

Mabuhay ang mga taga Pangasinan kung saan ako nagmula.

Yaman nila ang tupig at pinagmamalaki nila akong talaga.

Other Poems by Anna09