Kami ay Mag-ina

By Anna09 on 11th Aug 2020

Pangyaos
Horizons: home for talented migrant workers in Hong Kong
 Image

Hindi man sa dugo kami pinagbuklod, Kaming dalawa naman ay tanging namumukod,

Sa larangang parehas naming natagpuan,

Kami ay higit pa sa tunay na magina ang turingan.

 

Ang pagkakataon ay nagbiro ba lamang?,

O sadyang kami ay itinadhanang magkakilanlan,

Dahil kami ay pinagtagpo sa paraang walang nakaka alam,

Pero higit pa sa mag-inang tunay kung magmalasakitan.

 

Sa talento ay walang inaatrasan, yan si mami Ody puno ng kagalingan,

Sa ganda ng kalooban at tibay ng katawan,

Lahat ng anak ay gustong tulungan,

Para makamit nila ang pangarap at kahilingan.

 

Sa biruan  at kainan, si Anna ay nangunguna diyan,

Masaya siyang kasama dahil sa taglay ding kagalingan,

Hindi papahuli sa kahit anong laban,

Bakit hindi mo subukan ng iyong matignan.

Kagandahan ng loob abah pasok din sya diyan.

 

Silang dalawa ay mag-ina sa kanilang literatura,

Pero ang sining na iyon ang nagbuklod sa kanila,

Nagturingan na higit pa sa tunay na mag-ina,

Na talaga namang hahangaan mo kung paano nila alagaan ang isa't isa.

 

Kaya mga kaibigan, tanging masasabi ko lamang,

Ang pagkakaroon ng relasyon sa isang tao, mapa-kaibigan man yan,

Minsan lang matatagpuan kaya ating alagaan,

Bihira ang taong mapagkakatiwalaan,

Lalo na sa mga panahon ngayon ng kagipitan.

 

Kayat si mami Ody ay aking iingatan,

Mamahalin at rerespetuhin,

Dahil sya ang nanay ko at Kami ay Mag-ina sa sining.

Poems by Other Authors

Other Poems by Anna09