Bagong Pamilya

By ellenmae on 11th Aug 2020

Pangyaos
Horizons: home for talented migrant workers in Hong Kong
Migrant Writers of Hong Kong
 Image

Ako ay isang bata na mahilig magsulat.

Lahat ng bagay binibigyan ng kahalintulad.

Ako ay lumaki punong puno ng pangarap.

Nawa'y balang araw ito ay matupad.

 

Panahon ay nagdaan,

Maraming pagsubok pinagdaanan.

Mga bagay bagay kayang labanan

Para makamtan ang inaasam asam.

 

Ako'y nakipag sapalaran,

Lumayo sa bayang sinilangan.

Nakakilala mga bagong kaibigan.

Lahat naman ako'y iniwan.

 

Mga pagsubok pilit nilabanan.

Minsa'y nadapa walang tulong na naasahan.

Hinanap ang sarili para matuto sa karanasan.

Nakakilalang muli ng mga bagong kaibigan.

 

Isang kaibigan nag alay ng pintuan.

Para ako'y mayroong pagkaabalahan.

Ako'y sumubok at aking nagustuhan.

Mga pangarap muling nabuksan.

 

Sa aking pagbangon

Isang pintuan aking nasilayan.

Kusang bumukas para ako'y matulungan.

Tinatagong talento muling nabuksan.

 

Lapis at papel aking hinanap

Magagamit muli sa aking hinaharap.

Ipagpapatuloy ang aking pagsusulat.

Mahahasang muli ang aking utak.

 

Isang Ina ang nag alok,

Bagong tahanan na matitirhan.

Bagong pamilyang maaasahan.

Para maipagpatuloy ang nasimulan.

 

Ako'y nagkaroon tibay ng loob.

Ako ay umaasa na ito ang kasagutan.

Matagal kong pinapangarap,

Sana'y aking makamtan.

 

Bagong pamilya nagbukas ng pintuan.

Sana'y hindi magsawa sa pagbibigay ng suporta.

Kami'y mga anak lalong umusbong.

Aming hinahangad buong pusong maabot.

 

 

July 16, 2020

@Lifediary511✍📖

Poems by Other Authors