Ang Mananayaw

By Anna09 on 11th Aug 2020

Pangyaos
Horizons: home for talented migrant workers in Hong Kong
 Image

Kapag ika'y umindak na, talaga namang nakakapag bigay sigla,

Sa mga kagaya kong pagod ang alintana at sakit ng katawan ang nadarama,

Ang bawat indayog mo at yugyog,

Talaga namang puso ko'y kumakabog at sumasabay pa sa tugtog.

 

Nadadala akong talaga sa hataw mong nakakatuwa pati ako ay napapasunod na,

May rumba, chacha, at pakembot kembot pa,

Ikaw ay kakanan at kakaliwa, minsan may pa "tumbling tumbling" pa,

Ang sayaw mong hatid ay nakakapagpaligaya,

Kapag pinapanood kita, parang ako na din ang humahataw sa gitna.

 

Salamat, mahal kong mananayaw, sa hatid mong talento para sa mundong ibabaw,

Naibabahagi mo ang sining gamit ang pagsasayaw,

Malikhaing galaw at makabagbag damdaming hataw,

May dalang  makabuluhang mensahe sa bawat pagindak at paggalaw.

 

Maipagmamalaki talaga ang lahing Pilipino lalo na ang mga talento sa "Horizons Page" na ito,

Napakadaming ibat ibang talento na sanay magamit para sa kabutihan ng mundo,

Ito'y bahagi ng kultura at kasaysayan ng bawat mamamayan nito,

Kaya't sana'y ating alagaan at pag-ibayuhin pa lalo.

Mabuhay! ang mga talentadong Pilipino sa buong mundo.

Other Poems by Anna09