Bagong Pag-asa

By Anna09 on 10th Aug 2020

Pangyaos
Horizons: home for talented migrant workers in Hong Kong
 Image

Buwan ng Agosto,

Ako ay maglalakbay patungo sa malayong ibayo,

Para maibsan ang nararamdamang dalamhati na dala ng damdamin ko,

Umalis ako ng bukang liwayway, para makarating bago mag dapithapon sa bahay,

Na siyang titirhan ko sa paglimot sa damdaming siphayo.

 

Ako ay nabighani sa ganda ng lugar na aking nadatnan,

Muntik pa nga akong tumimbuwang dahil ako ay patalon-talon sa daan,

At naamoy ko ang halimuyak ng mga bulaklak sa paligid,

At tuluyang ako ay napahinto at saglit na namahinga sa salumpuwit doon sa bukid.

 

Pagsapit ng tahimik na gabi,

Ako ay uminom lamang ng kaunting tuba sa tabi,

Natatakot akong ako ay mabalisawsaw sa higaan habang humihikbi,

Dahil ngayon ko lang ito na purbahi.

 

Nagising ako madaling araw pa lamang,

Agad akong tumakbo sa may ilog upang mukha ko'y mabanlian at ako ay maghinaw,

Nangangatal ang labi ko sa lamig na parang puso kong humihiyaw,

Ang aking punggod ay pumutok pa,

Senyales na siya ay namimihasa na sa aking mukha.

 

Kaya ako'y umuwi na dalagwit an tubig para sa aking lola,

Sa sobrang bigat nito ay muntik na kong bumaliktad sa mga punla,

Ang sabi ni lolo ako daw ay magpapaanyo at huwag kaligtaang bantayan,

Bantuan ang muyang at ito'y hanguin sa may tapayan.

 

At nang matikman ko ang mga pangaral ni lolo,

Agad kong napagtanto,

Narito ako para ibangon ang aking sarili at kalinangan ko,

Nakalimutan ang sulimpat ko sa mapagmatang mundo.

At tapusin ang bakasyon kong apnaw ng pagmamahal ang puso,

At may bagong pagasang dadalhin sa pagbalik sa totoong mundo.

Other Poems by Anna09