Panalangin sa Ama

By Anna09 on 9th Aug 2020

Pangyaos
Horizons: home for talented migrant workers in Hong Kong
 Image

Oh mahal naming Ama,

Kami'y namamalikluhod at sumasamba,

Yakapin mo po kami sa tuwina,

Lalo na sa mga panahong ito ng sakuna.

 

Kami po'y lubos na dumadalangin,

Damhin ang hinanaing at kami'y iyong pagpalain,

Walang humpay na ika'y aming pupurihin,

Sapagkat kami'y iyong minahal at pinakinggan ang aming dalangin.

 

Yakapin mo kami aming Ama,

Dahil minsan kami po ay nanghihina,

Kailangan namin ang iyong patnubay at kalinga,

Para muling bumangon at mapagtagumpayan ano mang epidemya.

 

Salamat po amang makapangyarihan,

Nadama mo ang aming kalagayan,

Niyakap mo ang puso naming luhaan,

At ngayon ay maayos na ulit na lalaban.

 

Kakayanin pa dahil alam naming ika'y palaging andiyan,

Na gagabay sa amin at kami ay iingatan.

Dalangin namin ito sa ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espirito Santo,

Amen.

Other Poems by Anna09