Lucille

By Anna09 on 7th Aug 2020

Pangyaos
Horizons: home for talented migrant workers in Hong Kong
 Image

Sa araw na iyon habang ako ay naglalakad,

Bigla kang sumipa at para bang lilipad,

Ayan na!, ayan na, ikaw na nga ay lumabas na parang bulaklak na namukadkad,

Ako'y napaluha dahil sa galak at sa Diyos nagpasalamat na sa akin ka napadpad.

 

Pinalaki kita at ginabayan, mula sa paghakbang hanggang sa pagbigkas,

Lahat ng pagod ko ay nawawalang bigla, lalo na kapag ikaw ay nakitang tumatawa,

Ikaw ang nagbigay sa akin ng panibagong lakas,

At naging pag-asa ko sa mga nagsasabing ako ay kawawa.

 

Ngayon ikaw ay bente anyos na, magaling na mang-aawit namana mo sa iyong ama,

Matangkad at may malusog na katawan, hindi napabayaan sa kusina,

Hiling ko sa Diyos ay gabayan ka sa tuwina,

Lalo na't ako dito ay nakikibaka.

 

Salamat sa iyo aking Lucille, ikaw ay mapagbigay na ate at anak na mabait,

Gabayan ka nawa ng ating Ama sa langit,

Marating mo ang tugatog ng tagumpay,

Tutulungan kita at patuloy na Aakayin sa mga hamon mo sa buhay,

At sana ay sumapat ang mga aral na ibinahagi ko sa'yo sa iyong paglalakbay.

 

Mahal na mahal ko kayo ng kapatid mo,

Kahit ako ay andito sa kabilang ibayo,

Ang lahat ng sakripisyo ko ay para sa inyo,

Para sa magandang kinabukasan niyo.

Poems by Other Authors

Other Poems by Anna09