Sa Ilalim ng Puting Buwan

By Anna09 on 6th Aug 2020

Pangyaos
Horizons: home for talented migrant workers in Hong Kong
 Image

Isang gabing madilim at malamig ang simoy ng hangin,

Tayo ay nagpasyang mangarap ng taimtim,

Saksi ang liwanag ng puting buwan,

Sa ating sumpaang magmamahalan magpakailanman.

 

Ngunit anong nangyari?,

Pangako nati'y hindi ko na mawari,

Ngayon ay puro panaghoy na lang sa gabi,

Sa ilalim ng puting buwan puro katanungan na ang sa akin ay namumutawi.

 

Ang mga bulaklak sa puno ay unti unti nang nalalagas,

Kasabay ng hindi na din pagsilip ng liwanag na dala ng buwan sa itaas,

Tila sumasabay sa panaghoy ng aking damdamin,

Sa ilalim ng puting buwan, mga pangako mo'y muling sasambitin.

 

Gabi-gabi ay aantayin kita,

Aasa at uupo pa din sa ilalim ng puno na halos wala ng bunga,

Sa ilalim ng puting buwan ay mangangarap ulit kahit nagiisa,

At taimtim na mananalanging babalik ka pa.

Sa piling ko oh aking sinta.

Other Poems by Anna09