Hanggat ako ay may hininga.
Huwag iwaglit sa alaala ako pa rin iyong ina.
Kailangan bang hinog sa panahon ang pagiging ina
O may mataas na antas ng edukasyon upang ipagmalaki siya.
Alam ko na ako ay nagkamali.
Sa murang edad,isinilang kita sa mundo.
Kahit ako ay hindi handa.
Ang hirap di ko alintana.
Dahil hindi ko kaya, sa mura mong edad ay kitlin ang iyong hininga.
Pinili kong buhayin at makita mo ang mundo,
kahit ako ay nalilito,napakalupit nito.
Ang mundo ng mga tao.
Madamot ang
kapalaran ,hindi ako pagbigyan.
Ng maayos na pagkakakitaan upang maitaguyod kayo ng marangal.
Patawad pikit mata ko kayong iniwan.
Dahil hindi ko kayang makitang kayo ay nagugutom,salat sa mga pangangailangan.
Para akong naglalakad papunta sa akong hukay,ng kayo ay iwanan.
Inisip ko lng naman para ito sa inyong magandang kinabukasan.
Ang hirap kong pinagdaanan, ayaw kong inyong maranasan.
Tama ba ang aking ginawa?
Akoy nagsisisi,sapagkat , hindi ko kayo nakitang lumaki.
Ngunit pagmamahal ko sa inyo walang halong pag iimbi.
Sana balang araw paglaki nyo mga dahilan ko ay inyong bigyan ng pag intindi.
Bago ako humayo sa akong hukay.
Sana mapatawad ninyo si inay.
#prompt Kamalian at pagpapatawad
mistakes and forgiveness.