Ang Mang-Aawit

By Anna09 on 5th Aug 2020

Pangyaos
Horizons: home for talented migrant workers in Hong Kong
 Image

Kapag bumuka na ang kaniyang bibig, asahan mo na ang napakagandang tinig,

Ito'y nakakabighani at ika'y iibig,

Dagdagan pa ng taglay niyang kisig at tindig.

 

Tunay ngang kaaya-aya ang isang mang-aawit,

Malaya siyang maipahayag ano man ang kanyang ibig,

Sa musikang taglay, tayong lahat ay naantig,

Nagising, at sumiklab ang damdaming umiibig.

 

Ang mga nota niya ay may dalang aral, bawat letra nya ay tungo sa tagumpay,

Aral na dadalhin natin sa bawat paglalakbay, sa hamon ng buhay.

 

Kung ikaw ay makikinig sa kaniyang awitin, ito ay salamin ng kaniyang damdamin,

Damdaming nailabas na may kasamang mithiin, na tayong lahat ay maibsan din ang nararamdamang suliranin.

 

Naniniwala ako sa kanilang adhikain,

Napapabilib ako sa kanilang taglay na galing,

Lalo na iyong mga bumibirit sa hangin,

Parang mga ibong malaya sa hardin.

 

Salamat sa musikang hatid oh mahal naming mangaawit,

Ito'y magpapasalin-salin sa lahat ng kapatid,

Habang buhay na kayamanan kung ituturing,

Sa puso namin mananatiling buhay ang inyong mga awitin.

Poems by Other Authors

Other Poems by Anna09